baka nga totoo na andito na sa atin ang mga e.t., kasi tingnan mo lakay ang tinatakbo ng mga tao -- may uma-akyat sa mga billboard (noong araw wala nmang ganyan), may nagpapakasal magkapareho ng kasarian at ang nakakagulat pa ay pagpapakasal ng tao sa aso.
isa pang pagdomina ng e.t. sa mundo ay pati ang utak ng ibang prominenteng tao (paris hilton, mel gibson, lindsay lohan etc) pati na dito sa pilipinas. may palagay ako na pabalagbag na rin ang pagi-isip ng mga tao lalo sa namamahala sa mga tao --- gobyerno natin, isipin mo habang tumataas ang piso laban sa dolyar ay sya nmang pagtaas din ng mga prime commodity natin pati lalo na ang weekly oil price hike, ibig sabihin ay inutil na at wala ng magawa o wala ng maisip na kaparaanan ang pamahalaan natin, sila na lang ang pwedeng makapagpakarga ng gasolina at balang -araw. ilang sandali na lang ay ginto na ang presyo ng langis at sila-silang mga may nakurakot na pera ang pwede na lang mag-full tank, hanep nman!