MISTERYO at LOHIKA - Experience the Unknown, Reveal the Mystery

misteryo's posts with tag: aquarius

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag aquarius
History Channel features an in-depth investigation into the prophecies of the future. What would happen on this planet when the Mayan Calendar ends in December 21, 2012. The Mayan calendar prophecy coincides with the prophecies of the Ancient Oracles, I Ching, Nostradamus, Merlin, the Bible, the Hopis and those who has the ability to see the future.

Part 2: http://www.guba.com/watch/2000967369


Import.flv (23.3 MB)

A discussion about the New Age of Aquarius, the period of outpouring of energies from the Supreme Source (GOD) to change the consciousness of human beings realizing his true purpose in this lifetime. A channel shared his knowledge about Ciudad Verdadero located in Lucban and Sampaloc, Quezon.
JULY 14, 2007 THE NEW AGE OF AQUARIUS AND CIUDAD VERDADERO   

Blog EntryTao, Nagigising na sa Bagong KaisipanJul 15, '07 9:22 PM
for everyone

            Tama ang mga paliwanag tungkol sa tinatawag na “New Age of Aquarius” na habang tayo ay pumapasok sa naturang kapanahunan ay makikita ang unti-unting pagiging bukas ng kaisipan ng tao sa usaping espiritwal – anuman ang relihiyon o sektang kinaaaniban. 

            Ito ang lagi kong paliwanag sa mga taong nangangamba tungkol sa pagwawakas ng Kalendayo ng Sibilisasyong Mayan na pinangangambahang siya rin umanong katapusan ng buhay sa mundong ito.

 

            Ganito rin ang lumabas sa mga hula o propesiya ni Nostradamus at iba pang kilalang mga visionary o psychic sa mga nakalipas na panahon, na nagsasabi sa pagwawakas ng kasalukuyang panahon ng kaisipan ng tao patungo sa mas bukas, mas malawak at mas mapayapang antas ng kaisipan o “State of Consciousness” ng tao.

 

            Isa sa maituturing kong ebidensiya ng positibong epekto ng pagpasok natin sa Age of Aquarius ay ang pagiging unti-unti nang bukas ng pang-unawa ng marami kundi man lahat sa usaping paranormal, na bagaman maituturing na abnormal sa paningin ng karamihan ay dumadami na ang nakakaunawa sa mga karanasan sa mga kababalaghan.

 

            Nitong nakalipas na Sabado sa aking programang Misteryo ay muli kong binuksan ang aking paksa sa mga tao tungkol sa kanilang mga kakaibang karanasan sa paranormal na hindi kayang maipaliwanag ng kanilang lohikang kaisipan.

 

            Kung noon ay atubili pa ang mga tao na aminin sa kanilang mga sarili at ilantad sa madla ang kanilang mga karanasan, ngayon ay nararamdaman ko at nakikita kong meron na silang lakas ng loob na sabihin kung ano ang kanilang mga naranasan sa usaping espiritwal.

 

            Narito ang ibat-ibang katanungan ng ating mga kababayan tungkol sa kanilang mga karanasan sa paranormal at iba pang may kaugnayan sa usaping espiritswal kabilang na ang mga pakikipag-ugnayan sa mga sumakabilang buhay, mga elemento o engkanto, ekstra-terrestriyal, anghel, mga pangitain o mga nakikitang simbolo at marami pang iba.

 

            *Naniniwala ako sa inyo, paano makakausap ang mga Ekstra-Terestriyal. Sila po ba ang pumipili ng taong kausap nila?

            RS: Ang mga ET ay karaniwang nakakausap sa pamamagitan ng isip o telepathy, maaaring may maririnig kang tinig sa iyong isipan ngunit hindi iyon nagmula sa kanilang bibig. Karaniwan ngayon ay sila ang kusang nakikipag-ugnayan sa tao at pinipili nila ang mga taong posibleng makaunawa sa kanila, ngunit ang pangkalahatang plano ay magpakita sila sa tao at makipag-ugnayan sa lahat bilang normal na nilalang.

 

            *Tinititigan ko ang ulap sa gabi, nagiging mukha ng Diyos at HesuKristo, ano kaya iyon?

            RS: Hindi ko masasabing ang nakita mo nga ay tanda ng manipestasyon ng Diyos at ni Hesus, ngunit posibleng ito ay isang giya para sa landas na iyong tinatahak sa espiritwal, nagpapa-alala sayo na nandiyan lang sila at handang makinig at gumabay sa atin lalu na sa iyo. Ngunit mapalad ka sa ganung mga simbolo at maituturing kong isa kang sensitibo sa ganitong mga pagpapakita ng mga simbolo.

 

            *Pwede po bang mabasa ang isip ng tao? May orasyon po ba dun? May pangontra po ba?

            RS: Gusto kong linawin na mali ang sinasabing nababasa ang isip ng tao. Ang telepathy o komunikasyon ng isip sa isip ay maituturing kong normal na nangyayari sa ating buhay. Maaaring ang isang tao ay merong kakayanan na pasukin ang kaisipan ng isang tao na hindi na kailangan ang anumang panalangin o orasyon. Ngunit depende pa rin yan kung pahihintulutan mismo ng isang tao na gawin sa kanya yun.

 

            *Totoo po bang may aswang? Kasi yung girlfriend ko isang linggo daw silang inaaswang sa bahay nila at nagpapakita pa na lalaking itim daw.

            RS: Depende sa mga nakaranas o nakaharap ang naturang uri ng nilalang. Ang aswang sa pagkaka-alam ko ay isa ring tao na meron lamang kakaibang kapangyarihan na magbago ng anyo sa pamamagitan ng ipinapahid nilang langis sa katawan. Matapos kong maging paksa sa aking programa ang tungkol sa totoong karanasan ng isang kaibigan sa mga aswang, ay isang lalaki na nag-text sa akin at umamin na siya ay aswang. Gusto lang niyang linawin na hindi rin nila kagustuhan na maging aswang at hindi lahat ng aswang ay masama.

            Ilan lamang yan sa mga idinulog sa aking mga katanungan tungkol sa misteryo o kababalaghan na nararanasan ng ating mga kababayan. Kung meron kayong karanasang paranormal o kaya ay mga larawan o video, mangyaring makipag-ugnayan sa akin.

 

            Pwede kayong mag-text sa 09209386533, mag-email sa misteryolohika@gmail.com. Tignan din ang aking website: http://misteryolohika.tripod.com; http://misteryo.multiply.com. At laging makinig sa aking programang Misteryo tuwing Sabado, 5:30-6 ng gabi sa himpilang DZRH.#

 

 

 

 


© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help

Template design Copyright © 2005 Remi Prevost Some rights reserved.