Experience the Unknown, Reveal the Mystery

misteryo's posts with tag: aswang

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag aswang
VideoAswang Sighted Feb 18, '08 8:30 AM
for everyone
Residents in Silay, Negros Occidental vigil against aswang. Some residents sighted aswang in their area and fear the night creature would attack them. The story was featured in a TV newscast last February 5, 2008.


negrosaswang05022008.mp4 (6.2 MB)

VideoGhost and Horror Stories in the PhilippinesJan 14, '08 6:07 PM
for everyone
The documentary video features the White Lady of Balete Drive and the existence of Aswang.

Source: http://www.youtube.com/watch?v=1koJnmF21Lo


PhilHorrorStories.MP4 (32.0 MB)

Blog EntryAswang Totoo Ba? (Part 2)Aug 21, '07 8:24 AM
for everyone

Narito ang karugtong ng naging usapan namin ni Anthony Vivero (AV) noong Sabado Hunyo 23 sa aking programang Misteryo tungkol sa mga Aswang.

RS:  Saang lugar ito?

AV: Magbanggit na lamang tayo ng medyo malaking ano…sa Pilipinas sa bandang Visayas area.

RS: Sa Visayas area?

AV: Ok. Sooo….talagang as in tsinek nga ng pathologist na even siya ay she so amazed kung bakit ganun yung hitsura ng corpse o bangkay kasi based on medical na ano aspeto, dapat ay nabulok na pero hindi pa nabubulok.

RS: Dapat nasa decomposition stage na siya.

AV: Kasi  medyo advance na sila eh. Alam mo yung aswang is common tao rin na katulad natin, na highly psychic na matatawag natin na katulad din ng mga pangkaraniwang psychic na matatawag natin but they are so powerful.

RS> Meron din silang psychic abilities?

AV> Sobra as in grabe.

RS> Ano? Can they teleport from a place to another?

AV> Yes! They can levitate.

RS> Nakapagle-levitate din sila?

AV> Yes. Yung teleportation yun talaga ang mabigat talaga.

RS> Teleportation!

AV> Andyan sa harapan mo tapos biglang mawawala siya at biglang andun na sa kabila.

RS> Grabe naman.

AV> So ganun yun.

RS> Ito pa ang tanong ko. Totoo bang nakapag-transform sila sa isang unusual na laki ng hayop o animal. Let say sabi nila, yung aswang parang nagiging malaking pusa, aso, baboy.

AV> actually yan ang isa sa mga paniniwala, which ako naniniwala din ako kaya lang malungkot hindi ako nakakita ng the way they transform, pero may encounter ako, one of my interviews with one television network na matatapang daw na maghanap kami ng aswang, so naghanap kami.

RS> Kasama ka dun ha.

AV>Sila ang isinama ko…actually nung ini-engage naming kasi merong nagsabi, ang aswang kasi heto yun, pag maingay sila, malayo yun…pero pag tahimik, andyan na sa harapan mo.

RS> Ha!

AV> Oo andyan na sa harapan mo.

RS> So ganun bay un?

AV> Ganun yun. There are signs na kakaiba na naririnig mo, malayo yun. Pag tahimik na tahimik…

RS>  Tahimik na yung parang nakakabinging katahimikan…

AV> Nasa tabi mo nay un.

RS> Nasa harapan mo na.

AV> Oo, actually ganun ang nangyari.

RS> Pero hindi mo lang nakikita dahil invisible sila?

AV> Hindi naman invisible pero parang naka-camouflage sabi ko nga nakapag-tra-transform.

RS> Ah…

AV> So one of those meetings na ginawa namin talagang all of a sudden nagulat kami nasa harapan na namin. So kumbaga lahat ay nagkagulatan at of course, siguro nagkaka-amuyan na I can do harm sa kanila so kumbaga walang gumawa…standstill ang lahat.

RS> Sandali, sandali yun bang amoy ng aswang ay ano?

AV> Actually, kakaiba ang amoy.

RS> Mabaho o paano?

AV> More of parang oil..na nasunog na oil.

RS> Ano yun? Ang sabi ng mga kuwento ipinapahid daw sa buong katawan yun.

AV> Oo kasi bago sila magsimula ay talagang ipinapahid sa kanilang katawan yung oil

RS> So may ritwal pa?

AV? May ritwal talaga. Yun nga ang nakatutuwa yung sabi ko harapan to nagbubulungan kami. Sabi ko: “atras karamihan atakehin ko para magkagulatan. Kasi ang tendency nito, iisipin nila aatras tayong lahat pero sasalubungin ko. So skapol, bahala na kayo. Eh nung nagka-skapol kami yung cameraman nanakbo eh.

RS> Bahala na kayo, takbo na sa gusto niyong puntahan?

AV? Akala ko matapang nung una kukunan eh so hayun na-drag ako for several meters kasi sinalubong ko kesa ma-harm yung kasama ko. So yun ang one of the worst na encounter ko na ano.

Sa susunod sa patuloy naming usapan ni Anthony ay inilahad nito kung paano inihahanda ng mga lahi ng aswang ang kanilang kakaining bangkay ng tao dahil sa sinasabing merong isang bahagi ng taon na may kapiyestahan sila kung saan sa isang lugar ng mga aswang ay may naka-tokang sila ang maghanda ng isang katawan ng tao na kakainin.

Ngunit, para marinig niyo ang buong usapan namin ni Anthony noong Sabado Hunyo 23 ay bisitahin lamang ang aking website http://misteryo.multiply.com. Kung gusto niyong matunghayan ang lahat ng aking inilagay sa site na yun bukod sa usapang ito ay mas mabuting mag-sign up kayo sa multiply.com at malaya kayong panoorin ang mga video, pakinggan ang mga na-ere kong programa, mga kakaibang larawan at mga naisulat kong artikulo.

Para sa inyong katanungan at suhestyun, mag-text sa 09209386533 o kaya mag-email sa misteryolohika@gmail.com. Makinig tuwing Sabado alas-5:30 hanggang alas-6 ng gabi sa DZRH sa aking programang Misteryo. #


Blog EntryConfession of an AswangJun 28, '07 9:43 PM
for everyone

             After airing my live interview with Psychic Healer Anthony Vivero about his personal encounters with aswang, A certain Nilo of Batangas texted me last June 28, 2007 and he admitted he is an aswang.

 

            Though not really believe because I can’t verify his claim unless I meet this person but I find it very interesting because his claim is somehow similar to the revelation made my Vivero based on his personal account of this kind of people in the Philippines.

 

            My pakiusap is, please read his testimony with an open mind, and please don’t make any judgement about him or them. If they have that curse in them then I think we must understand them. We should not curse them but let us help them realize their true mission in this life instead.

 

            The following is Nilo’s testimonya about his life as Aswang.

 

-                     Pasensiya na ho kayo luma ho kasi ang telepono ko at saka gabi lamang ho ako lumalabas pero hindi naman ako masamang aswang – hayop lamang ang kinakain ko minsan aso, manok at kambing

-                     May trabaho ako minsan. Nagpapalit ako ng anyo ang langis na ginagamit ko ang nagbibigay sa akin ng lakas para tumagal pa dito sa mundong ito

-                     May reporter na ang hangad lang ay ang sumikat kaya ho ako napasadya sa inyo ay gusto ko lang ho ipaunawa ang hindi makatarungang pagtrato nila sa akin at sa kapatid ko

-                     Nangyari po yun noong July 4 2006 sa probinsiya ng Batangas kung saan ay lihim kaming nabubuhay ng kapatid kong babae. Kaarawan po ng kapatid ko ang araw nay un ng mangyari din ang pagpaslang sa kanya halos mabaliw ako sa ginawa nilang yun

-                     Noon pong umaga may dumating sa amin na mga reporter naka-uniporme po natakot ako kasi hindi ko alam kung paano nila nalaman yun wala na rin akong nagawa kaya pinatuloy ko sila may mga tanong sila na napaamin nila ako handa raw silang bantayan ang tulad naming. Hindi ako pumayag sa usapang yun nagalit sila at nung gabi rin nay un ay trahedya na pala sa amin ang nangyari

-                     Hindi ko po alam kung paano ko magagawa na tanggalin ang pagka-aswang ko pero umaasa ako n asana ay may paraan pa para naman maranasan ko ang buhay na pinagkait sa tulad ko ang masasabi ko lang sa mga tulad ko maging matibay lang tayo baka balang araw lumaya din tayo

-                     Wala kaming relihiyon. Pinanganak na akong ganito mga magulang ko lang nagturo sa akin magbasa at magsulat

-                     8 years old pa lang ako noon ipinaliwanag sa akin ng magulang ko na aswang talaga kami. Hindi ko yun matanggap kasi masakit para sa akin ang malaman na aswang ako

-                     Nakuha ko lang ito sa mga magulang ko namana lang sa kanila

-                     Tinuruan nila ako kumain ng hilaw na hayop at paggamit ng langis paraan para makapag-iba kami ng anyo

-                     Manananggal? Hindi totoo yun. Ang aswang tulad namin ay parang tulad niyo may pangil at mahahaba ang kuko tumatalim din mga mata namin

-                     Hindi totoo yung nahahati ang katawan masakit po yun. Ang mga kaibigan ko po ay yung mga tikbalang at mga kuripap yun po ang mga sanggol na tinatawag niyong tiyanak.

 

After this Nilo assured me he's willing to be interviewed by me either by phone or live person to person. I'm trying to arrange this for a possible personal interview with him but of course I need to consult my seen and unseen friends about this.

 

Listen to my exclusive interview with Vivero about the existence of Aswang http://misteryo.multiply.com/music/item/177

 


Blog EntryAswang Totoo Ba?Jun 24, '07 6:30 PM
for everyone

            Binaha ako ng sandamukal na mga tanong sa aking website nang ilahad ko ang isang larawan ng umanoy manananggal na nakunang lumilipad sa isang lugar sa Pilipinas at samut saring tanong kung totoo bang merong ganitong uri ng nilalang sa modernong panahong ito?

 

            Sa aking website http://misteryo.multiply.com ang nakunang larawan umano ng manananggal ay lumilipad o nakalutang sa di kalayuan sa ibabaw kabahayan, ngunit ang pinagtataka ko mismo ito ay nakunan sa araw, taliwas sa nakagisnan nating paniniwala na ang mga ito ay lumalabas lamang sa gabi.

 

            Sinuri kong mabuti ang larawan at sa tingin ko ay peke ito dahil dun pa lamang sa nakunan ito na maliwanag ang sikat ng araw at katanghalian tapat mahirap na paniwalaan na totoo itong aswang o manananggal. Maaaring ito ay isang saranggola na hugis-manananggal na pinalipad sa katanghaliang tapat.

 

            Ngunit, bukas naman ang aking kaisipan na posible rin itong totoo dahil sa alam naman natin na nagbabago ang panahon, malay natin hybrid na aswang ang nakunang iyon ng larawan.

 

            Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng mga kababayan natin na nakakita sa inilagay kong larawan ng isang manananggal.

 

            Emily Vli: nagulat ako totoo ba ito?..pinakita ko sa anak ko natakot ayaw nya sa pilipinas may asuwang daw sabi ko na lang movie ito.. pero alam nyo storya ng father ko sa probinsya namin sa Quezon bata pa ako noon may sakit brother ko kailangan madala namin siya sa clinic kabilugan ng buwan nuon isinama ako ng mother ko para dalhin namin sa clinic ang brother naiwan ang fatherko sa bahay namin sa storya ng father ko may lumilipad daw ng malaking ibon pero nagulat daw father ko dahil maliwanag ang buwan nakita nya sa anino na taong malaki na lumilipad at sinusundan daw kami.. yon ang storya ng father ko tapos sabi nya ako daw nakauponuon kabilugan ng buwan nuon malaking aso daw ako malapit ng sunggaban ginawa daw ng father ko humiyaw at tinaboy bigla daw nag laho taka daw siya dahil napakalaking aso .wala naman asong malaki sa lugar namin at itim ng itim daw ang kulay..nuon di ako naniniwala pero ng makita ko tong video bigla kung naalala ang storya ng father ko.

 

            Grace dela Cruz: Manananggal/aswang in broad daylight? Baka oversized paniki lang yan. Ako rin, natakot sa kwento ni Emily. Di na naman ako makakatulog nyan.

 

            Carlos Yu: i like to believe its real but! why is it he is not flapping his wings palaging lang na sa isang position

 

            Eponine Ortiola: so, its mananagal?? i really dont know.. na existing pa pala yang mga yan...

 

 

            Ang ganitong mga katanungan ang nagtulak sa akin para sikapin kong talakayin sa aking programang Misteryo sa DZRH ang tungkol sa mga aswang.

 

            Isang kaibigan natin na may personal na karanasan ang aking nakapanayam tungkol dito, siya ay si Psychic Healer Anthony Rivero na minsan nang tinaguriang “Aswang Hunter” dahil sa magkakasunod na ginawa nitong pagtugis sa mga ito para patunayan lamang na totoong merong aswang.

 

            Nang tinanong ko si Anthony tungkol sa larawang manananggal heto ang kanyang naging sagot: “Nakarating sa akin ang larawang yun at tinignan ko…hindi tunay yun kasi sa unang-una pa lang yung liwanag eh…kung makikita mo in broad daylight yung manananggal ay lumilipad. So based on my experience, yung personal account ko, halos padilim na sila lumalabas at talagang nawawala sila bago uli lumiwanag. Blue skies eh kung makikita mo yung background blue na blue yung kalangitan. Definitely, kung ano man yun ay gawa lang ito ng isang tao na merong malikot na imahinasyon.”

 

            Dito na lumalim ang usapan namin ni Anthony tungkol sa mga aswang nang siya mismo ay magtungo sa lugar ng mga ito sa Kabisayaan: “Marami akong natuklasan tungkol dyan sa pagiging aswang so far based on my personal account. Ang nakita ko ay plain and simple ito lang ang masasabi ko. Ang aswang para akin ay they eat human flesh (sila ay kumakain ng laman ng tao) kaya nga may criminal aspect ito eh….kaya nga alam nating bawal kainin ang karne ng tao…at kung tatanungin mo kung paano nila i-prepare ang tao is one of the most na mabango, though hindi ko tinikman ah kasi ayaw ko talaga tikman.”

 

            RS: Pero pinatitikim ka?

            AV: Hindi naman nila ako pinipilit pero hinipo-hipo ko yung karne….yung amoy ay talagang one of the best na pinakamabangong naamoy ko kung sa pagkain ang pag-uusapan. Kasi they prepare it na sobrang bango at hindi ko alam kung ano ang mga nilagay nilang herbs. Kasi makikita mo yan sa may tiyan tapos pinadaan sa may pusod, iba-iba kung ano ang inilagay sa bibig talagang grabe as in ang bango, ang sarap. May kasama nga akong duktor na pathologist from US nang pinuntahan naming yung lugar…

 

            Ang aking panayam kay Anthony Vivero ay itutuloy natin sa mga susunod na labas ng aking artikulo tungkol dito at buo kong ibabahagi sa inyo ang palitan ng aming talakayan ni Anthony. Para sa inyong mga katanungan at suhestyun mag-text sa 09209386533; mag-email: misteryolohika@gmail.com ; bisitahin ang aking website: http://misteryo.multiply.com. #

 

 

 


MusicThe Truth About AswangJun 24, '07 6:44 AM
for everyone
My exclusive Interview with a psychic healer Anthony Vivero about his personal accounts of people called Aswang somewhere in the Visayas Region. This was my live interview with Vivero last June 16, 2007 in my radio program Misteryo over dzRH, Manila. It's hard to believe they exist but we've heard many stories about them and my personal account when I was a kid (heard the "mananangals" screaming and flapping their wings) could confirm their existence.
THE TRUTH ABOUT ASWANG June 23, 2007   

VideoAswang? Manananggal?Jun 16, '07 3:55 AM
for everyone
I'm not saying and not sure that this is a real one but found this on the net. Try to scrutinize the picture said this was taken somewhere in the Phils last May 21, 2006. If you have pictures (or videos) of real aswang or manananggal please feel free to send me copies. Listen to my exclusive interview with Psychic Healer Anthony Vivero about his true personal accounts with Aswang. http://misteryo.multiply.com/music/item/177


Import.flv (1.1 MB)

© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help