i once experienced it noong may camping kami sa high school, mga tent namin nasa gitna ng ground biglang sumama ang panahon dahil may typhoon. lumipat kami sa social hall ng school. malaki, nasa side kami ng hall temporary (grupo lang namin) brownout kasi at lumalakas ang hangin at ulan, we are just using candles medyo malayo nga lang sa place ng mga bed namin. pero ng bigla kaming tumingin sa may stage (malapit sa pinto) may hugis tao na nakasandig...walang kuryente pero para siyang nakatapat sa sinag ng buwan..as in di ako umimik pero ang hindi ko alam ang kasama ko nakita din pala....akala ko nakita namin lahat 2 lang pala kami waaaaaaaaa! parang gusto kong tumakbo...nanindig mga balahibo ko, hehe!
calling mr. jaime licauco :)
nang tinuro sa mga kasama namin biglang humangin ng malakas at biglang nagsara ang pintong dinaanan namin papasok sa hall. napatingin kami bigla sa pinto nang tingnan namin ulit ang stage wala na siya. (lalaki po siya)
meron din napabalitang may nagkakalabogan daw sa loob ng abandonadong school building doon. palibhasa high school pa lang makukulit at curious (hehehe) talagang nangulit na puntahan. alam mo lakay, ilang metro pa lang ramdam mo na meron talagang "tao" sa loob. dinaanan namin ng kasama ko (tatlo kami) ay naku po, may narinig kaming sound (takbuhan kami) syempre nag-uunahan pa, hahaha!